Kahandaan, Katatagan at Kaunlaran ng Komunidad: Gabay sa Pagsasanay sa Disaster Risk Management – Pangalawang Edisyon

Ang manwal ay pangunahing nakatutok sa mga Tagapagpadaloy ng pagsasanay kung paano aangkop at kikilos sa paghahanda at pag-iwas sa mga peligro ang mga taga-komunidad. Isinanib sa Pangalawang Edisyon ng manwal ang praktika sa disaster risk management at pakikipagtulungan ng mga Pamahalaan Lungsod ng Dagupan at Pasig sa pamamagitan ng PROMISE sa mga barangay at komunidad. Inaasahang mapaparami ang mga lokal na pamahalaan at komunidad sa Pilipinas na aktibong lalahok sa pagpapataas ang kanilang kakayahan at sa pagpapababa ng pagkabulnerable sa mga pinsala ng panganib at disaster. Nilalayon ng gabay na ito na gawing tunay na disaster risk manager ang mga taga-komunidad at gayaundin ang mga taga lokal na pamahalaan. Sa paggamit at pagpapalaganap ng manwal, patuloy ding umunlad ang praktika at kaalaman ng CDP sa disaster risk management at nagkaroon ng dagdag na ambag sa pagpapaunlad ng mga larangan gaya ng paglahok ng mga bata at kabataan, pagsasanib ng gender perspective at pagkilala sa kakayahan at pagtugon sa mga partikular ng pangangailangan ng mga matatanda at may kapansanan.

Asset Type:Publications
Collection:Other Philippine Publications
Subject:Disaster Risk Management, Kahandaan, Bulnerabilidad, Kapasidad, Panganib / Disaster, Paglahok ng Komunidad
Authors:Mayfourth Luneta
Lorna Victoria
Publisher:Center for Disaster Preparedness
Publication Date:2020

[download id=”8657″]

Skip to content
Share via
Copy link